Ano Ang Natural , Secret?
Ano ang natural
secret?
Ang natural secret ay ang paglilihim ng impormasyon na itinuturing na likas sa moralidad ng isang tao.
Puwedeng maging halimbawa nito ay ang pagkatao ng isa na hindi naman makakaapekto sa sekular na mga kalagayan at personal na pagpapasya ng mga may kinalaman na huwag na itong ibunyag pa.
Kadalasan nang nagkakaroon ng moral na obligasyon ang isa na nakaalam ng sikretong ito at wala siyang karapatang ihayag ito malibang pahintulutan ng may-ari ng impormasyon.
Madalas na ang buhay-buhay ng mga tao ay may mga lihim. Nais nilang mapanitili ito upang ang kanilang reputasyon ay mapanatili. Hindi naman dahil sa naglalabas lamang sila ng mabubuting bagay tungkol sakanila. Pero yamang wala namang ibang mapapahamak sa bagay na ito, natural na itago na lamang niya ito.
Ang paghahayag nito ay baka mas masahol pa ang epekto kaysa ang magsabi nito ay ang mismong may-ari ng lihim. Ang isa na nakaaalam ng sikretong ito ay baka posibleng malapit sa kaniya.
Tanungin ang sarili:
Mayroon bang mga impormasyon sa akin, natural na bagay tungkol sa akin na nais kong mapanatiling walang nakaaalam? Mga bagay sa nakaraan o sa aking pagkatao? Kung mayroon, tinatawag itong natural secret.
Pero paano kung ang sikretong ito ay kailangang ihayag upang maresolba ang isang mahalaga o sensitibong isyu? Makabubuting hintayin ang isa na may-ari ng sikreto na malayang makapaghayag nito. Ito ay upang mapalaya ka mula sa anumang problema.
Ang paghawak ng natural secret ay para na ding paghawak sa pagkatao ng isa. Nais mong maging responsable ukol dito.
Comments
Post a Comment